Ang kailangan mo ay pahinga Baka nga pagod ka lang Makinig at h'wag mag salita Pakinggan ang katawan Ang hirap, paano ba makakausad? Makita kung meron bang hinaharap Kung wala kang mauuwian Magpalipas sa daan At kumain ka ng mag-isa 'Di naman 'yon masama Maghanap ka ng kaibigan na 'di ka huhusgahan Sasamahan ka na lumabas at maligo sa ulan La la la la la la Ngayon ay kasalukuyan Humihinga ka at buhay Ang dami pang pagdadaanan Mararating mo rin naman Ito ay aking paalala Minsan ay magpahinga Kalimutan ang problema At ika'y magpahinga Kalimutan ang problema At ika'y magpahinga La la la la la la Hmm