Binansagan nila ditong underrated, isa daw sa mga hindi appreciated, nanahimik lang lagi sa gilid, pero pag usapang sining magsitabi ang walang pag ibig Underrated yan ang tinatawag nila sakin, Di daw pinapansin ang ginawa kong sining, Di daw mapipili pag nagkuhanan sa bidding, Kulang daw sa gimik, Bat di ka lumapit sa mga kadikit mong lodi, O kaya ay gumawa ng kantang medyo corny, Bawasan pagka romy diaz minsan dapat dolphy, Sabayan ng hook na catchy, Dapat daw tumotono ka na para bang lalalalala Para daw makuha ka na sa mga susunod na balasa, Subalit, ang kapit, ko sa prinsipyo kong, iningatan, Parang magulang, na ang anak, ay pinangakuan, Malinaw, sakin, ang lahat ng inyong kalabuan, Kaya nga madami na sa inyo ang nabilaukan, Binansagan nila ditong underrated, isa daw sa mga hindi appreciated, nanahimik lang lagi sa gilid, pero pag usapang sining magsitabi ang walang pag ibig Ibahin, ako, hindi naman din yan bago, Nagbubuo ng kampo, may negosyo ang amo, Malakas, makahina, pag may makinang gamit, Nakakasilaw, yun na po ang punchline, god deym it, Dito muna ko sa lilim, yakap ang sining, May dadaanan din sasakyang may ilaw pag tumiming, May dala kong gasolina may baon din na saging, Baka sakaling, may matsing, na salikod ko manggaling, May Araw man o hindi, nakahanda, di mapipigil, Ang langit, kung ano ang tinakda, pag madilim ang kaulapan, itoy nakaamba, uulanin ng biyaya, ang lupang mapagtyaga, Kaya, Binansagan nila ditong underrated, isa daw sa mga hindi appreciated, nanahimik lang lagi sa gilid, pero pag usapang sining magsitabi ang walang pag ibig
K-leb的其他专辑
- 1731772800000
- 1730995200000
- 1727366400000
- 1724947200000
- 1723132800000
- 1721923200000