Verse 1: Buhay kong emosyonal, madalas na dapat kong suyuin Kasabay mga pagkakataong kailangan kong sugurin Mga taliwas sa’king landas pangakong uubusin Nais kong kumawala, nasa utak ko ‘yung susi Eksenang telenobela ang ganap kada taon Araw araw iniisip sarap sana magkaron Ng sariling bahay, sariling kotse Paglabas konsyerto ko nakapaskil sa mga poste Habang kapiling ko si nanay punuin ang pasaporte Lahat maisakatuparan gamit isip at ang boses palaisipan ay kailan mangyayari Pagiging handa aking handog Kaalaman mula kalsada at sa klase Ang dahilan bakit naging gan’to Taglay ang karunungang hindi sukat akalain Aral sa nakaraan kaya’t ang bukas nama’y sa’kin Chorus: Mga pasakit na Humarang sa’kin sa Panalangin na Ibig kong matamo Handang umawit na ‘gang mapasa’kin ang Mga hangarin na Pilit inaabot Verse 2: Lipad iba’t-ibang bansa basta aking maisipan Walang bagahe kundi aking salaping hindi mabilang Nahihilo na ‘ko sa daming putaheng nasa mesa Lito na panlasa sa iba’t-ibang klase ng serbesa Na bunga ng mga temang humaplos sa tenga’t isip At nalikom na mga letra kung saan ako nahilig Di pa man totoo ang aking mga nais makamit Sulit sakripisyo sa mga maaaring kapalit Maliit mang hakbang ay palapit nang palapit ‘Wag mo ‘ko turing na kalaban mas mainam kakampi Sagot sa kailan ay sa kilos nakabase Nasa tudlaan ay maging paldo Panay progreso pagka’t ayaw makampante ‘gang lumisan ako’y dinggin mo Mundo maugong naging payapa sa musika Susulat hanggang ang pangalan ay aking ma-ukit na Chorus (2x): Mga pasakit na Humarang sa’kin sa Panalangin na Ibig kong matamo Handang umawit na ‘gang mapasakin ang Mga hangarin na Pilit inaabot
J Rose的其他专辑
- 1732809600000
- 1709740800000
- 1707840000000
- 1699459200000
- 1696780800000